Nangako siSenate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Linggo na iimbestigahan nila sa Senado ang hindi pangkaraniwang resulta ng 6/55 Grand Lotto draw kung saan 433 umanong mananaya ang nanalo ng mahigit sa 236 milyong jackpot nitong Sabado ng gabi.

Aniya, maghahain siya ng resolusyon upang masilip ang usapin sa gitna ng pagdududa ng publiko.

Binanggit ng senador, kailangang ma-audit at masilip ang gaming activities ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang matiyak ang integridad ng ahensya at maprotektahan ang milyun-milyong mamanaya.

“Katakataka 'yung result na yan. 'Yung 433 ang mananalo, supposed to be ang chances mo diyan is 1 in how many millions. So ibig sabihin, ganun kahirap dapat tamaan 'yan and then to say na 433 ang tumama. There is something suspicious,” paliwanag ni Pimentel sa panayam sa radyo nitong Linggo.

National

OLALIA-KMU, iginiit karapatan ng mga manggagawa na makapag-unyon

"Talagang marami po ang nagtaka, na medyo nagulat because statistically speaking, this is a very rare event. Let us take this opportunity to investigate so that ang purpose natin is to ensure the integrity of our lotto games,” banggit ni Pimentel.

Si Pimentel ayBar topnotcher noong 1990 at isa ring Mathematics gold medalist noong nag-aaral pa.

"We have to look at the entire system of our lotto games. This is a good chance kasi maraming nagtatanong," pagdidiin ni Pimentel.

Sasangguni rin aniya siya sa mga statistician at mathematician kaugnay ng resulta ng nasabing lotto draw.

“Tanungin natin ang PCSO kung mga lucky pick (LP) ba itong mga winners na ito, that means system-generated 'yung number nung tumaya pero therefore there is nothing random about their LP kasi ibig sabihin nun binigay nila sa 400 plus katao, umulit-ulit. Millions po ang combination diyan," lahad nito.

“So tatanungin na lang natin sa PCSO. Before this draw, anong pinakamaraming winners sa 6/55? Siguro sasabihin nila dalawa lang eh. So we have to look at it,” aniya.

“Meron na kasi akong napansin noon sa draw nila sa isang 6-digit (draw), may 10 winners. So para sa akin, bihira na nga ang may 2 winners, bihira na nga ang may pinakamalaki number na nga ng winners nila dun sa 6 digits nila is 3 winners. Nagkaroon ng isang instance na 10 winners. Nakakapagtaka na para sa akin 'yun. At 6-digits, which is one in a one million 'yung probability,” dagdag pa nito.

Nagpahayag naman ng pagtataka siUniversity of the Philippines (UP)-Institute of Mathematics Professor, OCTA Research Fellow Dr. Guido David, sa usapin.

“Baka naman may possibility dahil may pattern, ito ay mas maraming pumusta sa ganitong sequence ng numbers dahil may pattern nga, so hindi naman natin sinasabing imposible,” pahayag nito sa isang hiwalay na panayam.

“Napakaliit ng probability na may 400 na manalo nang sabay sabay,” sabi pa ni David.

Hannah Torregoza