Mismong si American Actor Christian Kane ang nagpaabot ng pag-welcome kay Kapuso actress Max Collins sa pagiging bahagi ng "Almost Paradise" season 2, batay sa kaniyang Instagram post noong Setyembre 27, 2022.

Ang "Almost Paradise" ay isang American-Filipino crime drama television series na co-production ng "Electric Entertainment", "CMB Films", at "ABS-CBN Entertainment". Ang unang season ay napanood noong Marso 21, 2021. Ang lokasyon ng serye ay sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

"Beauty and the beast! Welcoming the talented @maxcollinsofficial to #almostparadise So much fun for us to work with her. And… I know I look sweaty and disheveled, (beast) but in my defense, right before the picture was taken I did spend over an hour fighting two guys in 114 degree heat. She’ll back me up on this. Welcome Max," ayon sa caption ni Christian sa kaniyang IG post, kalakip ang litrato nila ni Max.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Makikita rin ang pag-welcome ni Christian kay Max sa opisyal na Facebook page ng Almost Paradise.

Samantala, ibinahagi rin ni Max ang litrato nila ni Kane sa kaniyang Instagram account.

"Secret's out! I'm part of Almost Paradise season 2! Can't wait for you all to watch it," ani Max sa caption ng kaniyang IG post.

"So lucky I get to work with this action star @christiankane1."

Sa comment section ay makikitang nag-post dito si Christian. "We are all happy to have you. You Rocked it!! More to come!"

"Thank you!" tugon naman ni Max.

Basahin:

https://balita.net.ph/2022/10/02/kapusong-si-max-collins-kumpirmadong-kabilang-sa-cast-ng-almost-paradise-season-2/">https://balita.net.ph/2022/10/02/kapusong-si-max-collins-kumpirmadong-kabilang-sa-cast-ng-almost-paradise-season-2/

Matatandaang noong Agosto ay kumalat sa social media ang tsikang kabilang si Max sa proyektong ito ng Kapamilya Network.