Sa kainitan ng panawagang i-boycott at i-cancel ang isang online shopping application na kinuhang endorser si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, binira ni ALLTV news anchor Anthony "Ka Tunying" Taberna ang mga netizen na wala na raw kadala-dala sa mga panawagang ito.

“Wala kayong kadala-dala… 'yang boycott-boycott n'yo na 'yan malaking kalokohan 'yan… dahil marami nang Pilipino ang nabu-buwiset diyan sa boycott, boycott i-style n'yo na 'yan,” aniya sa kaniyang isinagawang live sa YouTube channel na "Tune in Kay Tunying".

“Hindi pa ba kayo nakaka-move on sa matindi at kahiya-hiyang pagkatalo ng manok n'yo? Dapat tapos na yun, tapos na yun. Puwede ba tama na? Sinasaktan n'yo lang ang sarili n'yo,” dagdag pa niya.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Screengrab mula sa YouTube channel ni Anthony "Ka Tunying" Taberna

Hindi raw napagtatanto ng mga "boycotters" na hindi lamang ang online shopping app ang pinipilay ng mga ito kundi maging ang merchants.

Ang pinatutungkulan niya ay ang ilang mga "Kakampink" o tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo, batay na rin sa pamagat nito.

Sa kabilang banda, binati naman niya si Toni dahil sa panibagong achievement sa buhay nito ngayon.

Parehong pumirma sa ALLTV sina Ka Tunying at Toni.