"Kinakiligan" ng mga netizen ang tweet ng isa sa mga kalahok ng "Drag Race Philippines" na si Viñas DeLuxe, matapos niyang ibahagi ang litrato nila ng actor-businessman na si Marvin Agustin.

Pabirong tinawag na "sugar daddy" ni Viñas si Marvin, at sa wakas raw ay matutuloy na ang "pa-cochinillo" nito. Ang cochinillo ay ang negosyong lechong biik ni Marvin.

"At mukhang matutuloy ang ating cochinillo!!"

"My new sugar daddy @marvin_agustin."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

https://www.twitter.com/VinasDeluxe/status/1575476899299864576

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, bagay na ikinatawa na lamang ni Viñas.