Pinag-usapan na naman ng mga netizen ang cryptic tweet ng showbiz personality na si Kat Alano, kaugnay sa isang di pinangalanang babae, na umano'y sumusuporta sa mga biktima ng rape, ngunit nasa panig naman ngayon ng isang rapist.

"She said she supports rape victims but without a trial she decided ALL OF THEM were not raped," ayon sa tweet ni Kat kahapon ng Biyernes, Setyembre 30.

"Your experience would have told you differently if you had checked."

"Instead you sided with a rapist."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Tsk tsk. I KNOW YOU KNOW THE TRUTH. I did an interview with one of your friends."

https://twitter.com/katalano/status/1575634958785212416

Sa isa pang tweet ay may karugtong pa ito.

"And don’t even get me started on THAT girl."

"She wasn’t married yet at that time so she didn’t know. But her husband knows the truth."

https://twitter.com/katalano/status/1575640608877998080

Palaisipan pa rin sa mga netizen kung sino ba ang kaniyang pinatatamaan, subalit lahat ng ito ay nag-umpisa at sumasabay sa isyung kinasasangkutan ngayon sa pagitan nina Vhong Navarro at Denice Cornejo, na nagsimula pa noong 2014.

Kahit kailan, walang binitiwang pangalan si Kat sa isang sikat na celebrity umano na nagtangkang gumahasa sa kaniya noon, subalit hindi lamang daw natuloy; subalit nagbigay siya ng clue na ang pangalan nito ay katunog ng "Wrong".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/06/kat-alano-may-pinariringgan-either-you-stand-with-a-rapist-or-you-stand-with-the-truth/">https://balita.net.ph/2022/09/06/kat-alano-may-pinariringgan-either-you-stand-with-a-rapist-or-you-stand-with-the-truth/

Marami naman sa mga netizen ang umuudyok sa kaniyang mag-name drop na o kaya naman ay magsampa na rin ng kaso upang matamo niya ang hustisyang hinahanap niya.

Aminado si Kat na hindi umano madali ang pagboses niya sa social media dahil siya pa raw ngayon ang binabanatan ng mga netizen dahil sa kaniyang cryptic posts.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/22/kat-alano-pinuputakti-ng-bashers-dahil-sa-cryptic-tweets-tungkol-sa-gumahasa-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/09/22/kat-alano-pinuputakti-ng-bashers-dahil-sa-cryptic-tweets-tungkol-sa-gumahasa-sa-kaniya/

Samantala, hindi nagbigay ng anumang clue o hint si Alano kung sino ba ang babaeng tinutukoy niya sa kaniyang cryptic tweets.