Ilang beses na naging emosyonal sa gitna ng concert ang “Zoom” singer at K-pop superstar na si Jessi sa mainit na pagtanggap ng Pinoy fans sa pinakauna niyang solo concert na ginanap sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City, nitong Biyernes, Setyembre 30.

Libu-libong fans ni Jessi ang sumuong sa traffic noong payday Friday para sa espesyal na #ZoominManila concert ng K-pop icon.

Sa simula pa lang ng concert, all-out na agad ang energy ng Filo Jebbies at mainit na ipinaramdam ang pagmamahal sa singer.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

https://twitter.com/solar_blues/status/1576017703533707266

Malakas na hiyawan at pagsabay ng fans sa mga hit songs ng Korean singer ang dumagundong sa MOA.

‘Di naman napigilang maging emosyonal ng K-pop star nang maging personal sa kaniyang pep talk kung saan inamin ng singer ang personal ding mga bagahe, ilang linggo bago ang concert.

https://twitter.com/finding_miho/status/1576128965445419008

“I need you guys to always remember that there are constant battles from your life but you always fvckin got this!” paalala ng singer sa fans.

Isang fan project din ang nagpaluha sa singer kung saan ipinahayag ng ilang Pinoy fans ang pagmamahal sa Kpop star. Dito, nagbigay din ng espesyal na mensahe ang mga malalapit na kaibigan, at ina ni Jessi na aniya's proud sa narating ng kaniyang career.

https://twitter.com/urigamanna___/status/1576016682614632449

Kabilang sa mga pasok sa setlist ng singer ang mga hit songs na “Zoom,” “Nuna Nana,” “Gucci,” “Cold Blooded,” bukod sa iba pa.

Hindi naman napigilan ng singer na maging emosyonal muli nang kantahin ang personal na kantang “Star” na sariling anthem sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap sa loob ng 18 taon.

Dahil sa naramdamang pagmamahal, tila tinitignan naman ng 33-anyos na singer na sa Pilipinas manirahan sa oras na magretiro sa kaniyang showbiz career.

“I swear, if I ever retire, I will live in the Philippines,” anang singer na ikinahiyaw ng fans.”

Sa huli, game na game na nakipag-selfie at nakipag-daupang-palad si Jessi a Filo Jebbies.

Sa buradong Instagram post ng singer nitong Sabado, Oktubre 1, muling nagpasalamat ang K-pop star sa kaniyang Jebbies na aniya'y naging rason ng kaniyang muli't muling pag-usad sa kabila ng health and mental struggles.

Dagdag ni Jessi, hindi niya makakalimutan ang naranasang pagmamahal ng fans sa Manila.

Samantala, nakatakdang umarangkada ang Europe tour ni Jessi ngayong Oktubre.