Magpapatupadng bawas-presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanyang langis sa susunod na linggo.

Tatapyasan ng₱0.50 hanggang₱0.80 ang presyo ng bawat litro ng diesel.

Babawasan naman ng₱0.40 hanggang₱0.60 ang presyo ng kada litro ng gasolina at tatanggalan naman ng₱1.10 hanggang₱1.20 ang presyo ng bawat litro ng kerosene.

Ito na ang ikalimang sunod na linggo na nagbaba ng presyo sa produktong petrolyo bunsod na rin ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

National

Sen. Imee sa bangayang PBBM-VP Sara: ‘Ipagdasal natin sila!’

Sa pahayag naman ng Department of Energy (DOE), kung matuloy-tuloy ang price rollback na nagsimula nitong Setyembre 6, posibleng umabot sa₱9 ang maibabawas sa kada litrong presyo ng diesel at₱5.20 naman sa presyo ng bawat litro ng gasolina.