Simula sa Lunes, Oktubre 3, isasagawa na ang full printing ng mga balota para sa 2022 Barangay, Sangguniang Kabataan elections (BSKE), ayon sa pahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado.

Sa abiso ng Comelec, uumpisahan ng National Printing Office ang pag-iimprenta ng mga balota dakong 10:00 ng umaga.

Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa memorandum ng Printing Committee na may petsang Setyembre 30, 2022.

Bukod sa mga balota, kabilang din sa mga iniimprenta ng NPO ang mga accountable forms para sa halalan.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Ang naturang aktibidad ay inaasahang sasaksihan naman ng mga opisyal ng Comelec, mga citizen’s arms groups, media at iba pang stakeholders.

“Following the soft-launch printing on 29 September 2022, the Commission on Elections will be elevating into full swing the printing of official ballots and other accountable forms in relation to the December 5, 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) on Monday, 3 October 2022, at the NPO,” ayon pa sa abiso ng Comelec.

Ang 2022 BSKE ay nakatakdang isagawa sa Disyembre 5, 2022.