Trending ngayon sa YouTube ang music video ng latest single ng actor-singer na si James Reid na kung saan tampok ang ilang 'maiinit' na eksena nila ng modelong si Kelsey Merritt.

Inilabas sa YouTube channel ng independent record label ni James na Careless Music ang music video na may pamagat na "u & i" nitong Huwebes, Setyembre 29.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umani ito ng mga positibong komento sa mga nakapanood.

Samantala, sa isang Facebook post ng isang page na "Certified JaDine," tila 'naloka' ang mga netizen dahil sa ilang 'maiinit' na eksena nina James at Kelsey.

"ay grabe may pa dila si angkol"

"Sarap nung mv i mean ang astig"

"Grbe nmn ung asa dulo gagii dko akalain aabot sa ganyan leyyyy bat ganun nmn skett bilang fans"

"Yung di ka na maka focus sa song sa MV ka nalang talaga naka tutok... Beeehhhh masakiiittt nakakapanghina pero ang ganda ng mv"

"Grabe yung kissing scene pinapamukha talaga ng kapwa ko single"

"Ay may higupan na nagaganap"

"HOOOOYYYY SAKIT MO"

"James pwede namang ako nalangggg"

"Gosh! grabe lumaplap si James"

"Deelaaa to leeepss, leeepsss to deeelaaa ang mga fersooonss Ok lang yan wag lang sa idol kung si urassaya di yon mahilig sa delaaaa charizzz"

"HOYYYY SANA ALL JAMES REIDD UGH"