Tinanggihan ng hukuman ang mosyon ng komedyante at television host na si Vhong Navarro na manatili ito sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kinakaharap na kasong rape na isinampa ng model na si Deniece Cornejo.
Sa ruling ni Taguig Regional Trial Court Branch 69Judge Loralie Cruz Datahan, nabigo ang kampo ni Navarro na mabigyang-katwiran ang mosyon o kahilingan nito na manatili sa detention center ng NBI.
Sinabi ng korte, nabigo ring mailakip ni Navarro sa kanyang mosyon ang pruweba o ang SMS message na ipinadala ng hindi matukoy na cellular phone number na nagbabanta umano sa kanyang buhay.
Matatandaangnagharap ng urgent motion ang abogado ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga na umaapela sa hukuman na panatilihin muna sa NBI ang kanyang kliyente.
Idinahilan ng abogado ni Mallonga na kaya sumuko sa NBI ang kanyang kliyente dahil na rin sa pangamba sa kanyang seguridad at sa kanyang buhay dahil na rin umano sa matinding galit sa kanya ni Cornejo at mga kaibigan nito.
Binanggit din ng kampo ni Navarro na posibleng mayroong koneksyon ang grupo ni Cornejo sa loob ng Taguig City jail na nag-aabang kay Navarro.
Kaugnay nito, naghain naman ng mosyon sa hukuman ang abogado ni Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio na humihiling na ilipat sa sa Taguig jail si Navarro.