Pinabulaanan ng aktres na si Barbie Imperial ang paratang na siya umano ang dahilan sa paghihiwalay ng aktor na si Carlo Aquino at partner nitong si Trina Candaza.

Sa kaniyang latest vlog noong Miyerkules, Setyembre 28, kasabay ng pagmumukbang, binasa niya ang ilan sa mga 'mean' comments tungkol sa kaniya. 

Ayon sa komento ng netizen, "Ikaw pala dahilan ng hiwalayan ni Carlo at gf niya bistado na Barbie nga."

Tugon naman ni Barbie na bakit siya raw ang sinisisi kapag may naghihiwalay na mag-jowa. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Teh, kailan ba sila naghiwalay? Kailan ba naghiwalay sina Carlo at Trina? Last year pa. Tapos nagka-movie kami ni Carlo this year lang. Ako na naman sinisisi n'yo,” aniya.

"Parang ’yung mga tao gigil na gigil na maging kabit ako ‘no? Parang every time na may nagbi-break, ako talaga. Pero wala namang proof na ako talaga 'yon. At saka, hello! Guys, sinabi ko na ito sa last vlog ko, hindi nga ako kabit. Hindi, okay? Hindi,”dagdag pa niya.

Samantala, aminado si Barbie na naaapektuhan pa rin siya sa mga bumabatikos.

"To be honest, siyempre tao lang din naman medyo nakakaapekto talaga siya ng mood. Kaya siguro hindi ko rin naubos yung mga pagkain kasi naapektuhan ako nang very slight. But ako kasi, I make sure na hindi siya pumapasok sa utak ko, lahat ng mga sinasabi ng mga tao. And siyempre matagal-tagal na rin ako sa showbiz, kaya medyo sanay na rin ako,” anang aktres.

"But I think hindi lang mga artista 'yung nakaka-experience ng mga bashing. I think kahit mga normal na tao nakaka-experience rin ng bash. Konting mali lang sa social media mapapansin ka talaga," dagdag pa niya.

Bukod dito, dahil sanay na sa mga bashers, nagbigayng payo ang aktres para sa mga nakararanas ng online bashing.

"For me konting tip lang na like if you know kung ano ang totoong pagkatao mo, if you know na hindi naman totoo ‘yung mga sinasabi nila, basahin mo lang. If mali talaga ‘yung ginawa mo, I think magandang way din ‘yun, kahit sobrang sakit ng mga sinasabi ng tao. Ako kasi kapag bina-bash nila ako tapos alam ko na mali ako, and then ang daming taong magko-comment about doon sa ginawa ko, parang gagamitin ko siyang way para mag-improve ako lalo. Kasi hindi naman lahat ng bashers nandyan lang para saktan ka. Kumbaga ‘yung ibang bashers (is for) character development," saad ni Barbie.

"So, ako very thankful ako na may mga nangbabash sa akin, especially kapag may something about me na hindi tama. Kasi mas nako-correct ko siya. At lagi kong gustong patunayan sa kanila na, if you're saying this about me, panoorin mo ako mag-iimprove ako,” sey pa niya.

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/04/04/carlo-aquino-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-trina-candaza/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/04/04/carlo-aquino-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-trina-candaza/