Inaasahang tataas pa at aabot na sa mahigit₱237 milyon ang jackpot prize ng GrandLotto 6/55 sa susunod na bola nito sa Sabado, Oktubre 1.

Sa paabiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, nabatid na walang nakahula sa six-digit winning combination na 54-11-26-46-33-51 ng GrandLotto 6/55 na binola nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 28.

Dahil dito, walang nakapag-uwi ng katumbas nitong jackpot prize na₱224,290,071.60.

Mayroon namang 11 mananaya ang muntik nang maging milyonaryo matapos na makahula ng tig-limang tamang numero.Sila ay nakapag-uwi naman ng tig-₱100,000 na second prize.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Samantala, batay sa jackpot estimates ng PCSO, aabot na sa mahigit₱97 milyon ang papremyo ng UltraLotto 6/58 na bobolahin ngayong Biyernes ng gabi, Setyembre 30.

Kaugnay nito, hinikayat muli ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang lotto games upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na lotto millionaire.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto dahil hindi man palaring magwagi ng jackpot ay tiyak namang makakatulong ka sa mga kababayan nating nangangailangan.