Sa ikaanim na pagkakataon, muling nakatanggap ng donasyon ang Angat Buhay Foundation, na pinamumunuan ni dating Vice President Leni Robredo, mula sa pinakahuling manlalaro sa Kapuso game show na “Family Feud" nitong Huwebes, Setyembre 29.

Family Feud Philippines (Youtube/screenshot)

Sa episode ng gameshow nitong Huwebes, nanalo ang 'Legit Insiders' na binubuo ng mga Entertainment columnist at editor na sina Rose Fabregas, Lito Mañago, Rohn Romulo, at Anna Pingol laban sa  'Team Kasaysayan' na binubuo naman ng mga personalidad na may kaalaman sa kasaysayan na sina Xiao Chua, Mona Magno-Veluz, Jonathan Balsamo, at John Ray Ramos.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Nakapag-uwi ng P100,000 ang Legit Insiders at ang P20,000 naman ay kanilang idinonate sa Angat Pinas Inc..

Ito na ang ikaanim na beses nanaging recipient ang NGO kasunod ng paglalaro ng Calayan family, The Clash Boys, NCAA Courtside Cuties, mga TikTok personalities, at bandang Mayonnaise.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/28/for-the-5th-time-bandang-mayonnaise-idinonate-sa-angat-buhay-ang-napanalunan-sa-family-feud/