Hindi talaga paaawat si dating Hashtag member "Nikko Natividad" sa kaniyang pagiging pilyong social media posts, kung saan talaga namang patok na patok sa kaniyang followers.

Kamakailan lamang ay sinagot niya ang isang basher na sumita sa kaniyang bikini photos na gumagaya kina Elisse Joson at Loisa Andalio.

Sa kaniyang Instagram post noong Setyembre 25, ibinahagi niya ang kaniyang TikTok video kung saan makikitang may malaking "nakabakat" sa kaniyang pants.

"Badtrip!! Hindi ko agad nabunot yung baril ko," caption niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kaniyang latest Instagram post ngayong Huwebes, Setyembre 29, makikitang ibinahagi niya ang ID ng kaniyang health card noong wala pa siya sa showbiz at nagtatrabaho bilang waiter.

"Mga panahong tirador pa 'ko ng chicken lollipop na tira ng guest tapos kinakain ko sa CR ng Gerry’s," aniya.

Pero ngayon daw, ibang "pop" na ang bet niya.

"Ngayon sa UNLI POP na 'ko mahilig," sey pa ng pilyong si "Nikko Daks".