"Heart Evangelista-inspired outfit yarn?"

Kinaaliwan ng mga netizen ang TikTok video ng creator ng "TheSoshalNetwork" matapos niyang gayahin ang outfit ni Kapuso star Heart Evangelista, kung saan makikitang ginawang dibuho ang iba't ibang kubyertos.

"Adobo and extra rice please 🍴dinner is served in @moschino of course," saad ni Heart sa kaniyang Instagram caption.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

"Adobo and extra rice please 🍴🥢🥡🍽 dinner is served in @mosquito of course," bersyon naman ng TikToker.

Makikitang isinabit ng TikToker ang iba't ibang mga plastik na kubyertos at kagamitang pangkusina kagaya ng sandok. Bet na bet naman ito ng mga netizen. Bukod dito, sinamahan pa niya ng disposable plate pati na baso!

"Heart Evangelista-inspired outfit Madam! Hehe."

"Wala na panalo ka na ma'am 🤗🥰😅tinalo Ang malagintong kutsara at tinidor dito kumpleto 😅🤣🥰."

"Kinumpleto na may kasama ng plato at baso😂😂 ang witty tlga ni atty."

Sa ngayon ay pumalo na sa libong views ang kaniyang video.