Masayang-masaya si Judy Ann Santos para sa kay Angelica Panganiban dahil finally ay nakamit na ng aktres ang mga panalangin nito.

"Ang sarap mong panoorin.. pagmasdan at pakinggan... dahil alam kong ito talaga ang matagal mong hinintay at ipinagdasal," sey ni Juday sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 28 nang magkita sila ng pamilya ni Angge.

"Deserve na deserve mo dahil handang handa ka na.. binuo ka at pinagtibay ng Panginoon dahil may tamang tao talaga na ibibigay sayo.. yung aalagaan ka at mamahalin ka ng buong buo... napakasaya ko para sayo sweetheart," dagdag pa niya.

Mensahe pa niya kay Angelica na bukas ang kanilang bahay para sa pamilya nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Alam na ah.. pag gusto nyo mag date.. bukas na bukas ang bahay namin para kay Bean.. ay kasama pala kayo. andito lagi ang pamilya agoncillo para sa pamilya homan. Mahal na mahal namin kayo."

Samantala, shinare ni Angelica Panganiban kung paano naging maalaga sa kaniya si Juday.

Sa isang Instagram post, kinuwento ng aktres na mula pa lamang noong first trimester ng kaniyang pagbubuntis ay todo na ang pag-aalaga sa kaniya ng kapwa aktres.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/29/angelica-kay-juday-kulang-na-lang-siya-magpaanak-sa-akin/">Angelica kay Juday: ‘Kulang na lang siya magpaanak sa akin’