Ibinahagi ng aktres na si Bela Padilla na isang show ang ini-offer daw sa kaniya subalit tinanggihan niya ito dahil tila pamilyar na raw siya sa karakter at storyline nito, ayon sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Setyembre 28, 2022.

"Was offered a show a few days ago that I decided to respectfully decline because I felt like the character and storyline were both too familiar to me already," ani Bela.

Ito raw ang isa sa kaniyang mga natutuhan sa panahon ng pandemya.

"I’m happy that after the pandemic, I’ve learned to choose what is essential to me now."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/padillabela/status/1575126243241910274

Hindi naman binanggit ni Bela kung anong network ang nag-offer sa kaniya; pero associated pa rin siya sa Kapamilya Network. Ang huling teleseryeng kinabilangan niya rito ay "Mea Culpa" kasama sina Jodi Sta. Maria, Kit Thompson, Tony Labrusca, Ketchup Eusebio, at Ivana Alawi.

Marami naman sa mga tagasuporta ni Bela ang nasasabik na siyang mapanood ulit sa telebisyon at pelikula, dahil sa ngayon, hindi pa siya ulit aktibo sa showbiz ganap.

"Hi crush. 😍 Hopefully, you can make a movie with a happy ending, that has a smile in your heart, not a tears in your eyes! Keep safe always! 😊😘"

"To be honest, lahat ata ng movie mo napanood ko. Ba't kasi ang galing mo umarte hahaha nakakainis parang wala ng script minsan sobrang natural."

"Way to go Bela. You should really be wise in choosing your projects. Was it a movie or a teleserye?"

"Whoa, I'm so proud of you, Ate. Good luck and hope to see you soon in person po."

Sa kabilang banda, may mga netizen naman ang nagsabing hindi raw siya dapat namimili ng proyekto at sana raw, hindi na niya pino-post ito dahil baka wala nang mag-offer sa kaniya. Makikita ito sa comment section ng isang entertainment site.

"Naintindihan ko naman familiar ka na, pero bakit kailangan pa i-post? Nyahaha."

"Trotttt same tayo ng naisip. Baka di na sya nyan offeran dahil dyan. Beke leng nemen."

"Bela's a good actress yet doesn't need to brag about declining. I mean wala siya sa Bea Alonzo levels to public brag about it."

"Ay namimili ng trabaho. Pasalamat ka nga teh may nag-offer pa kahit hindi ka naman big star to begin with. Dami diyan walang trabaho."

"Ang impolite lang at insensitive. If you rejected it, just keep it private. Respeto na lang sa kung sinuman nag-offer sayo. I’m sure it was done with good intention to choose you in the first place."

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman sa desisyon ni Bela.

"Hindi naman pagiging big star pa ang habol niya hahahaha. Puro kuda mga kulang naman sa reading comprehension. Magpayaman ka rin para ma-experience mong mag-decline ng trabaho at mag-travel travel na lang."

"Good for her since she is rich enough to decline a show."

"Ganyan ang confident. No need to act desparada para sa mga projects lalo na kung wala naman quality. Nadine and Ms. Vilma Santos ang naiisip ko na ganito ang mentality."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Bela Padilla tungkol dito.