Nagpasalamat si Kapuso star Bea Alonzo sa mga tumutok at nagbigay ng magagandang review at feedback sa kaniyang kauna-unahang teleserye sa GMA Network; ang "Start-Up PH", na Pinoy adaptation ng Korean drama na "Start-Up", kasama sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzalez, at Alden Richards.

In fairness, magaganda ang komento at feedback ng mga tao sa sneak peeks, teasers, at trailers na ipinalabas ng GMA Network para sa most-anticipated show ni Bea, bilang Kapuso.

"Mula sa Start-Up PH Family, MARAMING MARAMING SALAMAT po sa inyong pagsuporta and overwhelming reviews para sa aming show. 🙏🏻 Nakakakilig kayo!" ani Bea sa kaniyang latest Instagram post, kalakip ang litrato ng cast members.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narito ang ilan sa mga komento at feedback ng mga netizen:

"Sobrang ganda naman talaga kasi ng Start-Up PH."

"Kilig to the bones super perfect tandem, walang kupas sa pag-arte ng nag-iisang BEA."

"I just realized that they did justice to the original series. I love it. Manood talaga ako."

"Ang ganda! Kuhang-kuha ang Start-Up PH & it's very nice na may Pinoy touch, this will inspire Pinoys to enter entrepreneur."

"Ginalingan talaga ng GMA. Syempre ayaw nila mapahiya sa supporters ni Bea at lalo na kay BEA. At syempre unang show ni Bea ito sa GMA kaya dapat talagang i-almost perfect nila kundi man ma-perfect eh dapat close to perfection man lang."

Mapapanood na ang "Start-Up PH" gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.