Bigong mapanalunan ang may₱103.6 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office3 (PCSO) nitong Martes ng gabi, Setyembre 27, kaya’t inaasahang tataas pa ang premyo nito at papalo na sa mahigit₱108.5 milyon sa susunod na bola ngayong Huwebes ng gabi, Setyembre 29.

Sa paabiso ng PCSO, nabatid na walang nakahula sa six-digit winning combination ng Super Lotto 6/49 na 31-33 -37-48 -23-35 kaya’t hindi pa rin naiuwi ang katumbas nitong premyo na₱103,645,666.40.

Mayroon namang 14 na mananaya ang muntik nang naging milyonaryo matapos na makahula ng tig-limang tamang numero.Sila ay nakapag-uwi naman ng tig-₱50,000 na second prize.

Inanunsyo rin ng PCSO na umabot sa₱22,886,880 ang kanilang sales para sa naturang palaro.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, batay sa jackpot estimates ng PCSO, inaasahang aabot naman sa mahigit₱97 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na bobolahin naman sa Biyernes ng gabi, Setyembre 30.

Hindi rin kasi napanalunan sa bola nitong Martes ng gabi, Setyembre 27, ang papremyo nitong₱91,958,727.60 jackpot matapos na walang makahula sa six-digit winning combination nito na 14-52-02-21-57-48.

Gayunman, may dalawang mananaya ang nakapag-uwi ng tig-P120,000 na second prize para sa nahulaang tig-limang tamang numero.

Umabot naman umano sa₱15,846,480 ang sales ng PCSO para sa naturang lotto games.

Ayon sa PCSO, bobolahin rin ngayong Huwebes ng gabi ang Lotto 6/42 at aabot sa higit₱18.5 milyon ang jackpot prize ang maaaring mapanalunan ng mapalad na mananaya kung matagumpay niyang mahulaan ang six-digit winning combination nito.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng pamunuan ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya sa kanilang lotto games upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles na walang tao sa pagtaya sa lotto dahil hindi man palaring manalo ng jackpot, ay tiyak namang makakatulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang UltraLotto 6/58 naman ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Ang lotto draw naman para sa Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.