Ipinakita na ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano ang ilang mga litrato sa reunion movie nila ni "Eat Bulaga" host Joey De Leon, na idinirehe ng mismong mister ni Toni na si Direk Paul Soriano.

Unang naiulat ang pagsasama nina Toni at Joey sa isang pelikula para sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon, na may working title na "The Teacher".

"My Teacher… 🎞 #mmff2022," caption ni Toni sa Instagram post niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Bukod kay Joey De Leon, naispatang kasama rin sa pelikula ang Kapamilya love team at real life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte o kilala bilang "LoiNie".

Naispatan din sa litrato ang komedyante at tinaguriang "Dental Diva" na si Kakai Bautista.

Batay sa litrato, comedy-drama ang magiging tema nito, at ang gaganap na teacher o guro sa pelikula ay si Toni. Sa suot naman ni Joey, mukhang estudyante ang role niya rito.

Ito ang muling pagsasama nina Joey at Toni sa isang proyekto, matapos umalis sa "Eat Bulaga" ang huli at umober da bakod sa ABS-CBN.

Makalipas ang halos dalawang dekada ay lumisan na si Toni sa Kapamilya Network at pumirma ng kontrata sa ALLTV.

Pinuri naman siya ng kaibigang si Mariel Rodriguez-Padilla dahil naisingit pa raw niya ang pagsho-shoot ng pelikula sa dami ng mga naging ganap niya.

"Ang galing mo naka-shoot ka pa ng movie hehehehehehe," komento ni Mariel.

"@marieltpadilla nailaban hehe🙏🏼," sey naman ng sissy ni Toni na si Alex.