Kakaibang solusyon sa kumakalam na sikmura ang trip ng isang lalaki sa Sen. Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat.

Sa halip kasi na karaniwang pagkain, ang nagbabagang kahoy ang trip nitong mukbangin.

Una nang naitampok noong Agosto sa ">24 Oras, nakilala ang drayber na si Roselino Ingis.

Dati lang pangpulutan, nag-level up pa ang lalaki at ginagawa nang aktuwal na chibugin ang nagbabagang uling.

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza

Sa ibinahaging video, makikitang enjoy na enjoy pa itong nginunguya ang mapanganib at nagbabagang kahoy.

Pagdedetalye ni Roselino, 16-anyos lang siya noon nang unang makahiligan ang pambihirang panlaman-tiyan.

Mula noon, nakagawian niya na ang paglantak ng sinigang kahoy dahilan para tila magmanhid na ang bibig nito sa init.

Hindi naman aprubado sa mga magulang, kapitbahay at kaibigan ang kakaibang trip ni Roselino.

Anila, nakababahala ang peligrong dala ng paglunok ng nagbabagang apoy at iba pang aksidenteng maaring maging sanhi nito kagaya ng sunog.

Samantala, nagbabala naman ang ilang eksperto ukol sa peligrosong aktibidad.

Anumang temperatura na higit sa normal na init ng katawan ay nakapipinsala lalo na sa loob ng bibig na maaari pang maging dahilan ng pagsara ng lalamunan ng isang tao.

Maliban pa rito, ang pagkain ng kahit ano mang sunog na bagay ay may mataas na tsansa ng pagkakaroon ng stomach at colorectal cancer, ayon sa pag-aaral.

Si Roselino ay isa ring aspiring vlogger.