Usap-usapan ng madlang pipol sa online world ang biro ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda, sa segment na "Palarong Pang-madla", kung saan naglaro ang mga "It's Showtime" hosts ng "Vest in Spelling".

Hirit ni Vice Ganda, "Guys, guys, puwede ba 'wag na tayo magsisihan?" habang nakatingin sa sahig at tila nagpapabebe talk.

"Sa panahon… sa panahon ngayon i-set aside na lang natin… puwede bang magtulungan na lang tayo?"

Hirit naman ni Kim Chiu, "Sa'n ka nakatingin?"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Guys, guys… unity 'di ba?"

https://twitter.com/thelenrisa/status/1574264781753569280?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1574264781753569280%7Ctwgr%5Ef772cd783d7dc3ec0c0557cca566051e4ecd52cd%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fphilnews.ph%2F2022%2F09%2F26%2Fvice-ganda-throwing-shade-guys-unity-di-ba%2F

Nagkatawanan naman ang mga kapwa hosts habang naglakad naman papalayo sa kanila si Vice Ganda.

Mas lalo pang nabahiran ng "shade" ito nang "coincidence" na salitang "LIE" ang mababasa sa vest nilang tatlo nina Kim at Ryan Bang, mula sa salitang "BELIEVE".

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Mababash na naman si Vice niyan…"

"And the letters on their shirt spell 'LIE' lol. Coincidence? I think not HAHAHAHAHA."

"I like the shade HAHAHAHA".

Si Vice Ganda ay nagpahayag ng pagsuporta sa Leni-Kiko tandem noong nagdaang halalan.