Isang construction worker ang patay nang mabagsakan ng gumuhong firewall habang nagtatrabaho sa loob ng isang construction site sa Malate, Manila nitong Martes ng hapon.

Tinangka pa ng mga doktor ng Ospital ng Maynila na isalba ang biktimang si Jeson Tulin, 21, ngunit binawian rin ito ng buhay bunsod nang tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ni PSMS Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, nabatid na dakong alas-3:00 ng hapon ng Martes nang maganap ang insidente sa loob ng construction site na pinagtatrabahuhan ng biktima, na matatagpuan sa Quirino Avenue, kanto ng Asuncion St. sa Malate.

Kasalukuyan umanong abala sa pagtatrabaho ang biktima, kasama sina Gerry Maunes, 48; at Billy Joe Morely, safety officer,nang bigla na lang bumagsak ang firewall ng katabing lote sa loob ng construction site.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Dahil dito, nadaganan ang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan ng kanyang mga kasamahan ngunit binawian drin ng buhay.