Inaasahang tataas pa at papalo na sa mahigit₱221 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na bobolahin ngayong Miyerkules ng gabi, Setyembre 28.

Batay sa paabiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, nabatid na wala pa ring nakahula sa six-digit winning combination na 07-52-03-34-46-50 ng Grand Lotto 6/55 na binola nitong Lunes ng gabi.

Dahil dito, hindi pa rin naiuwi ang katumbas nitong jackpot prize na₱214,188,190.80.

Mayroon namang 11 mananaya ang muntik nang naging instant milyonaryo matapos na makahula ng tig-limang tamang numero. Sila ay nakapag-uwi naman ng tig-₱100,000 na second prize.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Kaugnay nito, hinikayat ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar upang tumaya sa kanilang mga lotto games, upang magkaroon ng pagkakataong magiging susunod na instant milyonaryo.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles na walang talo ang mga mamamayan sa pagtaya sa lotto, dahil hindi man aniya sila palaring manalo, ay tiyak namang makakatulong sila sa mga nangangailangan nating kababayan.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.