Tila marami raw ang tinamaan sa parinig ng rapper-singer na si Skusta Clee o "Daryl Ruiz", tungkol sa mga "nagloko pero hindi umamin".

Ayon sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 25, "Nagloko ka din naman ah! Hindi ka nga lang umamin!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi naman tinukoy ni Skusta kung may direktang tao ba siyang pinatatamaan, o para lamang ito sa lahat.

Matatandaang naging kontrobersyal si Skusta Clee dahil sa on and off na relasyon nila ng online personality na si Zeinab Harake.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/skusta-clee-nagsisisi-sa-ginawa-kay-zeinab-harake-kahit-mukhang-hindi/">https://balita.net.ph/2022/07/03/skusta-clee-nagsisisi-sa-ginawa-kay-zeinab-harake-kahit-mukhang-hindi/

Naging dahilan ito upang makatanggap ng katakot-takot na bash sa social media ang rapper.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/11/skusta-clee-pinalitan-lyrics-ng-zebbiana-na-boo-ng-audience-sinigawan-ng-cheater-cheater/">https://balita.net.ph/2022/06/11/skusta-clee-pinalitan-lyrics-ng-zebbiana-na-boo-ng-audience-sinigawan-ng-cheater-cheater/

Pati na rin sa mga dinadaluhan nitong music festival ay tila "nababastos" na ito. Ang latest nga ay sa Hiraya Music Festival na ginanap sa Camarines Sur.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/27/skusta-clee-nabastos-daw-sa-hiraya-music-festival-sa-camsur-netizens-iba-iba-ang-reaksiyon/">https://balita.net.ph/2022/09/27/skusta-clee-nabastos-daw-sa-hiraya-music-festival-sa-camsur-netizens-iba-iba-ang-reaksiyon/

Sa isang Facebook post, nilinaw ni Skusta Clee na para sa kaniya, hindi naman siya nabastos at sa katunayan ay masaya naman sila ng mga kasama sa gig. Tila nagbanta pa ang rapper sa sinumang magtatangkang bastusin siya.

"Hindi ako nabastos! Saya kaya namin! Saka di uubra sa akin bastusin ako kasi may lilipad na mic sa mukha mo pag nagkataon," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/27/may-lilipad-na-mic-sa-mukha-mo-skusta-clee-hindi-naman-daw-nabastos-may-banta-sa-magtatangka/">https://balita.net.ph/2022/09/27/may-lilipad-na-mic-sa-mukha-mo-skusta-clee-hindi-naman-daw-nabastos-may-banta-sa-magtatangka/