"Dami na naming problema, dumagdag pa 'yan!"

Palaisipan sa mga netizen kung bakit may "tongs" o isang uri ng kasangkapang pangkusina sa loob ng isang palikuran, na makikita sa Facebook page na "Klasik Titos and Titas of Manila".

Ang tongs ay ginagamit sa panipit o panguha ng mga pagkaing niluluto, lalo na kapag nagpiprito. Kung hindi available ang siyansi, puwedeng-puwedeng panghango ang tongs.

Kaya naman, napapaisip ang mga netizen sa makikitang tongs na nakasabit pa mandin sa mismong inodoro.

Usapang Negosyo

₱10 na kita kada pastil, paano nakatulong sa pag-aaral ng isang iskolar sa Maynila?

“Pag ayaw lumubog, i-take out!” saad sa caption ng FB page.

Game na nagkomento naman dito ang mga netizen at hinulaan kung bakit nga ba may tongs sa naturang kubeta.

"Strictly no sharing of leftovers po tayo hahahahaha".

"Para daw 'yan sa mga cellphone na nahulog sa loob ng inidoro kapag tumataklaboom hahaha."

"No left over policy daw kasi hahaha".

"Bring your own plastic bag hahaha".

"Kapag barado ang inidoro at ayaw lumabag, hahahaha, ilagay na lang sa plastik, kakaloka".

"Baka pampulot sa mga gamit na tissue paper na hindi nai-swak maigi sa basurahan hahaha."

Ikaw, ano kaya ang hula mo?