Marami ang nagulat nang sumabog ang balitang "hiwalay" na sina Kobe Paras at Erika Poturnak, matapos mapag-alaman ng mga netizen na burado na ang lahat ng mga litrato at video ni Kobe sa kaniyang Instagram account, at hindi na naka-follow sa social media ni Erika; gayundin umano si Erika kay Kobe.

Rumored dating pa lamang sila at hindi pa kinukumpirma ang relasyon, subalit kitang-kita sa kanilang mga ibinabahaging litrato at video sa social media ang kanilang "public display of affection". Pareho silang anak ng mga celebrity. Si Kobe, 25 anyos, ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster, sina Ina Raymundo at Brian Poturnak naman ang mga magulang ni Eika, na 20 anyos pa lamang.

Naispatan ng mga netizen na kahit isa ay wala nang post si Kobe sa kaniyang Instagram account, at naka-unfollow na kay Erika.

Si Erika naman, bagama't hindi naman nagbura ng lahat ng kaniyang posts, ay binura lamang ang mga litrato at video na kasama si Kobe.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Marami ang nawindang na mga marites dahil noon lamang Setyembre 19, muling nag-post si Erika ng mga kuhang litrato nila ni Kobe, sa pagdiriwang nito ng 25th birthday, habang magkasama sila sa West Hollywood, California.

Kobe Paras at Erika Poturnak (Larawan mula sa IG ni Erika Poturnak)

Kobe Paras at Erika Poturnak (Larawan mula sa IG ni Erika Poturnak)

Namataan pa silang magkasama noon sa isang beach sa Bali, Indonesia. Ibinalandra nila ang kanilang lambingan sa isa't isa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/29/kobe-paras-at-erika-poturnak-ibinalandra-ang-lambingan-sa-bali-trip/">https://balita.net.ph/2022/06/29/kobe-paras-at-erika-poturnak-ibinalandra-ang-lambingan-sa-bali-trip/

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"'Yan sinasabi ko senyo wag kayo post nang post ng pictures n'yo ng jowa mo, sa huli mahihirapan ka lang magdelete eh. Kulet kulet mo kasi sabi sayo sa una lang masaya eh."

"Mas ok talaga yung low-key relationship. Yung tipong durog na durog ka na sa break up n'yo, tapos wala pa nakakaalam."

"Normal sa mga magkarelasyon ang ganiyan. Ang importante hindi isinuko ang Bataan!

"Ano 'yan nagtikiman lang?"

"See sabi ko na eh, kami lang talaga nagtatagal kasi di kami nagkikita, kapag lagi, kakasawa."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawa tungkol dito.