Tila okay naman ang rapper na si Skusta Clee makaraang kumalat ang bali-balitang nabastos umano siya ng ilang audience sa naganap na Hiraya Music Festival sa Camarines Sur, habang nagpe-perform siya.

Ipinagtanggol naman si Skusta Clee sa isang Facebook page na "Rapper sa Pinas".

"Di naman sa pinagtatanggol ko to . Kapag ganyan dapat labas natin yung issue dyan. Binayaran 'yan para mag-perform hindi para bastusin n'yo. Kung di mo gusto eh di wag ka manood. Respetuhin natin ang mga artist. Talento yung binayaran diyan hindi yung kung ano man."

"Wala namang pilitan kung ayaw manuod eh. Tsaka saka ka na manghus(g)a kung hindi ka pa nakakagawa ng pagkakamali at perpekto ka. Doon lang tayo sa katotohanan."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Haha. Trabaho lang. Bayad 'yan para kumanta. Kung ayaw manood wag pumunta. Trabaho lang yun na yun," pahabaol pa nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/27/skusta-clee-nabastos-daw-sa-hiraya-music-festival-sa-camsur-netizens-iba-iba-ang-reaksiyon/">https://balita.net.ph/2022/09/27/skusta-clee-nabastos-daw-sa-hiraya-music-festival-sa-camsur-netizens-iba-iba-ang-reaksiyon/

Ibinahagi naman ito ni Skusta Clee sa kaniyang Facebook account at sinabi niyang hindi naman daw siya nabastos. Tila nagbanta pa ang rapper sa sinumang audience na magiging below the belt na sa kaniya at hahantong pa sa mas malalang bagay.

"Hindi ako nabastos! Saya kaya namin! Saka di uubra sa akin bastusin ako kasi may lilipad na mic sa mukha mo pag nagkataon," aniya.

Hindi ito ang unang beses na napaulat na nabastos ng audience si Skusta sa isang music festival. Ganito rin umano ang naranasan niya sa Aurora Music Festival sa Clark, Pampanga noong Hunyo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/11/skusta-clee-pinalitan-lyrics-ng-zebbiana-na-boo-ng-audience-sinigawan-ng-cheater-cheater/">https://balita.net.ph/2022/06/11/skusta-clee-pinalitan-lyrics-ng-zebbiana-na-boo-ng-audience-sinigawan-ng-cheater-cheater/