Pinabulaanan ng 'Maid in Malacañang' director na si Darryl Yap ang tungkol sa umano'y pekeng Facebook account.

Nitong Lunes, Setyembre 26, inupload ni Yap ang isang larawan na kung saan makikita ang post ng isang account na may pangalan na "Direk Darryl Yap."

Sa naturang post ng pekeng Facebook account, pinasaringan nito ang mga nagtatanong kung nasaan ang pangulo noong nanalasa ang Super Typhoon "Karding" kamakailan. 

"Ayan na naman sila sa #NasaanAngPangulo? bakit si PBBM ang hinahanap nyo pag may bagyo at sakuna? eh dapat si madumb leni ang iharap nyo dyan dahil kayo na rin ang nagsabi na pag may malakas na ulan at malakas na hangin na sya ang nag papatigil neto dahil diba nga may superpowers sya? #SuperPowers," anito.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Kaya naman pinabulaanan ito ni Yap. 

"Hahahaha! itong mga Kakampinks na ito, nangarap na naman na makakapoints sa akin," aniya.

"Hindi talaga kayo mananalo kung imbento nyo ang away, kaaway at argumento hahaha! para sa mga cotton candy ang utak— DI AKO YAN. haahhaah," sey pa niya.