Arestado ang isang vendor at tricycle driver na tinukoy ng pulisya bilang mga street-level individual (SLI) sa drug watchlist matapos makuhanan ng P102,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Parañaque City nitong Martes, Setyembre 27.

Kinilala ni Col. Kirby John Brion Kraft, hepe ng SPD, ang mga suspek na sina Nashrodin Osmeña, 36, isang vendor; at Rudy Boy Maggay, 39, tricycle driver.

Sinabi ni Kraft na naaresto ang mga suspek sa NAIA Road corner Quirino Ave.sa Barangay Tambo, Parañaque.

Sinabi ng hepe ng SPD na isinagawa ng mga miyembro ng Southern Police District–Drug Enforcement Unit (SPD-DEU) ang entrapment operation laban sa mga suspek na sinampahan ng reklamo dahil sa umano'y kalakalan ng ilegal na droga.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dagdag nii Kraft, narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000, P500 buy-bust money, at isang itim na pouch.

Aniya, ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa anti-drugs law at nakakulong ngayon sa SPD-DEU.

Jean Fernando