Bago tuluyang mag-landfall ang super typhoon na si 'Karding" at manalasa nitong Linggo, Setyembre 25, 2022, ay isa si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa mga celebrity na nag-tweet ng kaniyang panalangin, para sa kaligtasan ng mga magsasaka at kanilang mga pinaghirapang pananim, mula sa posibleng pagkawasak dahil sa bagyo.

Niretweet ni Vice Ganda ang isang tweet na nagpapakita ng video ng isang magsasaka na nangangamba sa kaniyang mga pananim, na si Felix Pangibitan.

"May bagyo… ewan kung anong mangyayari bukas… sa mga darating na araw…" saad ng magsasaka sa kaniyang video habang ipinakikita ang kaniyang mga pananim.

"I'm crying my heart out watching this, a video from one of the hardworking farmer here on my province😭😭😭

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Oh God..please keep us safe," saad ng netizen na nagbahagi nito.

Agad nga itong niretweet ni Vice Ganda, na nagsimula na rin ang pagbabalik ng award-winning community singing competition na "Everybody, Sing!"

"Panginoon hinihiling po namin ang kaligtasan ng mga magsasaka at ng kanilang mga pananim. Sagipin nyo po sila. Amen," panalangin ni Vice Ganda.

https://twitter.com/vicegandako/status/1574026185465810944