Pinatunayan daw ng mag-asawang sina Senador Bong Revilla at Lani Mercado na mayroong "true love," sey ni Manay Lolit Solis.

"Siguro Salve patunay ang true love sa pagsasama nila Bong Revilla at Lani Mercado. Kasi nga sa dami ng naging pagsubok at mga problema, hangga ngayon magkasama at nagmamahalan parin sila," sey ni Manay sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Setyembre 25.

"Love siguro ang naging mahigpit na binding sa tali nilang mag asawa. Sa buhay naman talaga ng tao maraming tukso ang papasok, maraming pagsubok ang darating , pero basta nanduon ang love kaya mong labanan ang lahat," dagdag pa niya.

Saad pa ng talent manager, imposible pang masira ang samahan ng mag-asawa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"May mga apo na sila Bong, hangga ngayon matibay parin ang pagsasama nila. Kaya naman alam mo na imposible pa na masira ang samahan binuo ng pagmamahal, patunay ang Bong at Lani marriage. Basta hanggang wakas, si Lani Mercado ang legal wife ni Bong Revilla, wala ng iba. Promise Gorgy at Salve."

36 years nang magkasama sa buhay sina Bong at Lani at biniyayaan sila ng anim na anak.