Loud and proud na ishinare ng 'wais na misis' na si Neri Miranda ang bagong bili niyang property sa Cebu. 

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram post kamakailan. Aniya, balak daw nila ng asawa niyang si Chito Miranda na patayuan ng resthouse kapag nakaipon sila. 

"Nakabili na kami ng lot sa Cebu! At patatayuan namin ng resthouse pero mukhang matagal pa yun! Mag iipon muna, hihi! Kaya kayod pa talaga nang bongga! More blessings pa, *ahem* calling all agencies and companies dyan, taraaaa! Let's work together po, hihi!" sey ni Neri.

Nagshare rin siya ng ilang tips kung paano niya ginagawa ang pagba-budget ng pera. 

Neri Miranda, sinalo ang 'naghihingalong' salon para 'di mawalan ng trabaho ang staff

"Ang ginagawa ko talaga, nagseset ako ng goal. Yung alam kong di imposibleng makuha. Sinusulat ko ang mga kailangang gawin to achieve that goal. Magpi-print ako ng photos ng goal ko na yun, for example, may gusto akong bilhin o need i-achieve, piniprint ko then ilalagay ko sa mood board ko," ani Neri.

"Para araw araw nakikita ko, mas maiinspire akong mas magtrabaho pa. Mas focused akong gawin kase may reminder ako araw araw," dagdag pa niya.

Kuwento rin niya, sa kanilang mag-asawa, siya raw ang pinaka matapang at makapal ang mukha, "Sa aming mag asawa, ako yung aggressive sa amin when it comes to business. Mas matapang ako at mas makapal mukha ko, haha! Kapag nagiging nanay ka na talaga, hindi ka na nahihiya. Magiging straightforward ka. Pero si Chito ang number one supporter ko at the same time critic ko rin."

Kasama raw niya sa pagbili ng property ang kanyang business partner na si Jonah Bautista. Parehas daw kasi silang wais na misis kaya nagugulat na lamang umano ang mga asawa nila sa mga itinatayo nilang negosyo. 

Payo ni Neri sa mga followers niya, "Magtrabaho ng maigi. Magsipag. Mag ipon. Mag invest. Trabaho ulit. Sipag. Ipon. Invest."

Katunayan, marami na ring nabibiling property si Neri. Bago pa niya ishare ang tungkol sa property sa Cebu, naishare na rin niya na bumili sila ng condo para sa anak niyang si Cash.