Tila natuldukan na ang mga haka-hakang nagdadalantao ang Kapamilya actress na si Julia Montes, matapos ibahagi ng Cornerstone na sasailalim si Julia sa training para sa paparating na action-thriller movie, kung saan isa siya sa cast members.

Makikita sa mga ibinahaging litrato sa Instagram page ng Cornerstone ang mga litrato ni Julia kasama ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, Sid Lucero, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, at iba pa.

View this post on Instagram

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone)

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Makikita rin ito sa Instagram post ni Paolo Paraiso.

Matatandaang naisyung buntis umano si Julia dahil napansin ng mga netizen ang kaniyang gain weight, at madalas daw niyang takpan ang tiyan sa mga litrato niya sa social media.

Bigla ring nawala ang kaniyang karakter na "Mara" sa nagtapos na longest-running teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano", at lumitaw na lamang sa finale episode.

Ngunit napansin ng mga netizen na naka-jacket si Julia sa eksena, at madalas na nakapokus lamang sa mga mukha nila ni Cardo Dalisay, na ginampanan ni Coco Martin, na kaniyang rumored boyfriend.

Nang ipakita naman ang kabuuan ni Julia ay naka-aerial shot naman, at naka-side view ito.

Sa mga panibagong litrato ngayon ni Julia ay makikitang flat na flat ang kaniyang tummy kaya masasabing hindi totoo ang espekulasyong preggy ito.