Nabura man daw kaagad, mas naging maagap naman ang mga "marites" sa pag-screenshot sa pagkomento ni Kapamilya actor Gerald Anderson sa Instagram post ng kaibigang si Kapuso actor Rayver Cruz, kung saan tila hindi niya yata napansin noong una, na kasama nito sa litrato ang ex na si Bea Alonzo.

Hindi kasi nakalagay sa unahan ang group picture nina Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Dingdong Dantes, at Bea Alonzo, na magkakasama sa Amerika para sa "Together Again: A GMA Pinoy TV @17 Concert".

"Back in the city of angels 🇺🇸," caption ni Rayver kalakip ang tatlong litrato.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sa unang litrato, makikitang mag-isa lamang si Rayver. Sa pangalawa, makikita namang magkasama sila ng rumored girlfriend na si Julie Anne San Jose. Sa pangatlo at huling litrato, doon na makikita ang litrato nilang apat.

"Without me?" komento ni Gerald.

Gerald Anderson, nagbura ng comment sa post ni Rayver Cruz
Screengrab mula sa IG ni Rayver Cruz via KAMI

Subalit ilang sandali ay nawala na rin ang komentong iyon ni Gerald sa IG post ni Rayver. Agad naman itong pinag-usapan ng mga netizen sa comment section.

"Binura ba ni Gerald yung comment niya?"

"Hindi niya siguro alam na may 3rd picture pa haha."

"Napahiya, noon makita kasama pala si Bea."

Matatandaang nagka-isyu sina Gerald at Bea matapos umanong "i-ghosting" ng una ang huli, sa kasagsagan ng kanilang relasyon.

Sa kasalukuyan ay may sari-sarili nang kasintahan ang dalawa. Si Gerald ay jowa ni Julia Barretto at si Bea naman ay GF ni Dominic Roque.

Kahit naka-move on na, masasabing hindi pa rin in good terms sina Bea at Gerald, bagama't humingi na ng tawad si Gerald sa ex, sa naging panayam ni King of Talk Boy Abunda sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/24/gerald-anderson-si-julia-na-ang-the-one-humihingi-ng-kapatawaran-kay-bea/">https://balita.net.ph/2021/08/24/gerald-anderson-si-julia-na-ang-the-one-humihingi-ng-kapatawaran-kay-bea/