Trending worldwide nitong Linggo, Setyembre 25, ang pasabog na collaboration ng P-pop kings SB19 at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Sinurpresa ni Songbird at ng SB19 ang maraming fans kasunod ng kanilang pagsalang sa isang music collaboration sa ASAP Natin ‘To.

Kasama ni Songbird, sa pagbabalik ng award-winning P-pop band, kinanta ng grupo ang isa kanilang unang hits na “Hanggang Sa Huli.”

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

https://twitter.com/titaluhaaa/status/1573911937121157120

https://twitter.com/fhaiamirol/status/1573917334447587328

Maraming fans ng SB19, o A’TIN ang nagalak sa oportunidad na makasama ng iniidolong grupp ang batikan at tinaguriang OPM legend na si Songbird.

https://twitter.com/SB19Official/status/1573909448187224064

Sa isang tweet, isang karangalan anang SB19 ang makasama sa ASAP stage si Songbird.

“Oh sweethearts it was a pleasure singing with you guys! By the way, I love the song (Hangang Sa Huli) so much. Thank you also for allowing me to sing with you guys," tugon naman ni Songbird sa grupo.

https://twitter.com/stellajero_/status/1573910661825933312

Pinuri rin ni Songbird ang husay ni Stell na nakipagsabayan sa kaniyang vocal prowess.

https://twitter.com/onlymahalima/status/1573906606521483265

https://twitter.com/LithiumGainz/status/1573919676140134400

Parehong trending topics sa Twitter ang Queen Regine at ang #SB19xRegineonASAP na umabot pa sa worldwide trend.

May hirit naman si Asia’s Pop Heartthrob Darren Espanto sa trending collaboration.

“Release niyo po sa Spotify,” hiling ni Darren.

Ilan pang A’TIN ang sumang-ayon sa Kapamilya singer.

Habang excited na ang fans para sa posibilidad, wala pang reaksyon ang parehong panig para sa exciting project.

Samantala, nagsimula nang umarangkada ang Where You At (WYAT) World Tour ng SB19 sa kamakailang Araneta soldout concert noong Setyembre 17.