Ibinahagi ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga na muntikan na siyang "mabaldog" o madapa't magpagulong-gulong sa hagdanan, habang bumababa rito at umaawra-awra pa sa harap ng camera.

Nasa Milan, Italy si Alex matapos dumalo sa Milan Fashion Week.

"Kaka-awra muntik pa mabaldog. HAYYY! Still wearing @joesanantonio 💜@juan.padilla2222," saad sa caption ni Alex.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Dahil talaga namang kuwela si Alex, idinaan na lamang niya sa pagngiti ang muntikan nang pagkadulas.

Kasama ni Alex sa naturang fashion event si celebrity doctor Dra. Vicki Belo, at ang mister nitong si Doc Hayden Kho.

Nagbiro pa si Alex sa isa sa mga Instagram post niya na tila nagmamakaawa siya sa mga photographer doon, na kuhanan naman siya ng litrato dahil wala raw pumapansin sa kaniya.

" BALI BALIAN POSE. Thank you @deniseochoa di mo ko kinakahiya dito. Pls plsss pansinin n'yo na'ko guys! #Mfw #Milanfashionweek #Milan," ayon sa caption niya.