Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko nitong Linggo na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar upang tumaya ng lotto, dahil inaasahang papalo na sa higit P210 milyon ang jackpot prize ng GrandLotto 6/55 sa susunod na bola nito ngayong Lunes, Setyembre 26.

Sa paabiso ng PCSO, nabatid na tataas ang premyo ng GrandLotto 6/55 dahil wala pa ring nakahula sa six-digit winning combination nito na 52-30-36-42-45-34 na binola nitong Sabado ng gabi, Setyembre 24.

Dahil dito, wala pa ring nakapag-uwi ng katumbas nitong jackpot prize na P204,736,854.40.

Gayunman, mayroon anilang 14 na mananaya ang nakapag-uwi ng tig-P100,000 na second prize para sa nahulaang tig-limang tamang numero.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Samantala, ayon sa PCSO, ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 ay balik sa P8.9 milyon sa Monday draw matapos na may magwagi sa P58.7 milyong jackpot nito noong Biyernes ng gabi.

Batay naman sa jackpot estimates ng PCSO, ang jackpot prize ng Lotto 6/42 na bobolahin naman sa Martes ng gabi, Setyembre 27, ay nasa P18 milyon na.

Wala rin kasing nakahula sa six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 14-05-27-15-24-13 na binola nitong Sabado ng gabi, kaya’t hindi naiuwi ang katumbas nitong premyo na P13,827,534.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles na walang talo ang publiko sa pagtaya ng lotto dahil hindi man palaring maging milyonaryo ay tiyak namang makakatulong sa mga kababayan nating nangangailangan.