Ibinahagi ng aktres na si Sunshine Cruz ang kaniyang mga realisasyon matapos siyang sumailalim sa lock-in sa loob ng 35 araw, batay sa kaniyang Instagram post noong Setyembre 22, 2022.

"I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days. It wasn’t easy co'z there’s not much you can do but pray and hope for the best. Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way," ani Sunshine sa caption.

"So much blessings are being given to me and my family after all. Wala akong karapatang magreklamo. 🙏🏻❤️."

“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it," ani Sunshine.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bumaha naman ng pagsuporta ang kaniyang IG post mula sa kaniyang mga kaibigang celebrity.

Samantala, naiulat naman ng "Fashion Pulis" na hindi na raw fina-follow ni Sunshine ang kaniyang boyfriend na si Macky Mathay IV.

Kung titingnan naman ang display photo ni Mathay sa kaniyang IG, hindi pa naman siya nagpapalit; sa katunayan, silang dalawa pa nga ni Sunshine ang magkasama rito.

Larawan mula sa Fashion Pulis via IG

Larawan mula sa Fashion Pulis via IG

Hindi pa rin burado sa IG niya ang mga litrato at video nila ni Sunshine, gayundin ang mga anak nito. Ang latest IG post na magkakasama sila sa litrato ay noong Agosto 29, 2022.

Marami tuloy ang mga netizen ang nagtatatnong kung hiwalay na ba sila? Ganito kasi ang nangyayaring trend kapag napababalitang naghihiwalay ang mga showbiz couple; nagkaka-unfollowan sa isa't isa.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Sunshine o si Macky tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita Online sa kanilang mga panig para sa anumang paglilinaw.