"Real-life Barbie Doll!"

Ganiyan ilarawan ng mga kaibigang celebrity at netizens ang kagandahan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos niyang ibahagi ang Barbie-themed birthday photoshoot niya, na kinunan ng sikat na photographer na si BJ Pascual.

"When I grow up, I wanna be…" caption ni Pia sa kaniyang mga litrato.

"A very Happy Barbie Birthday to me," saad pa niya sa isang Instagram post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bumaha naman ng papuri at pagbati sa kaniya ng "Happy Birthday" ang comment section ng kaniyang IG post. Isa sa mga bumati sa kaniya ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Bukod sa Barbie-themed, sa isa pang Instagram post ay ibinahagi naman niya ang green-themed photos.

"WE’RE NOT DONE YET. Welcome to my green room," aniya sa caption.

Si Pia ay isinilang noong Setyember 24, 1989, kaya siya ay 33 taong gulang na.