Masayang ibinalita nina Donita Rose at Felson Palad na ikinasal na sila, batay sa kani-kanilang mga social media posts nitong Setyembre 24, 2022.

"Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever," caption ni Donita sa kaniyang Instagram post. Kalakip nito ang mga litrato nila ng kaniyang mister na isang Gospel recording artist.

View this post on Instagram

A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"It took 37 years," simpleng caption naman ni Felson sa kaniyang Instagram post.

Noong 2016 ay nadiborsyo ang kasal ni Donita sa kaniyang ex-husband na si Eric Villarama.

Nitong 2022 ay inilantad at ipinakilala na sa publiko ni Donita ang kanilang relasyon ni Felson.