Suspendido muna ang mga biyahe ng barkong patungong Mindoro nitong Sabado dahil na rin sa bagyong 'Karding.'

Sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG)-Balanacan sa Mogpog, Marinduque, hindi muna nila pinaalis ang mga barko sa Balanacan Port para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.

Hindi rin pinayagang bumiyahe ang mga barko sa Calapan Port sa Oriental Mindoro at sa Batangas Pier nitong Setyembre 24 ng hapon matapos isailalim ang lalawigan sa Signal No. 1.

Nilinaw ng PCG, kaagad nila kaagad ang mga biyahe sa mga lugar na isinailalim sa Signal No. 1.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Hindi pa matiyak ng PCG ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga nasabing daungan.