Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya na sa lotto upang magkaroon ng tiyansang magiging susunod na instant milyonaryo.

Batay sa paabiso ng PCSO, nabatid na aabot na sa P100 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa susunod na bola nito ngayong Linggo ng gabi, Setyembre 25.

Ito’y matapos na walang makahula sa six-digit winning combination nito na 45-36-28-35-11-41 na binola noong Huwebes ng gabi, at may katumbas na jackpot prize na₱93,612,815.

Mayroon namang 14 na mananaya na muntik nang maka-jackpot matapos na makahula ng tig-limang tamang numero. Sila ay nag-uwi ng tig-₱50,000 na second prize.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, ang jackpot prize naman ng Ultra Lotto 6/58 na bobolahin rin ngayong Linggo ng gabi ay inaasahang aabot na sa₱88 milyon.

Wala rin kasing makahula sa six-digit winning combination nito na 15-54-20-31-45-32 na binola naman nitong Biyernes ng gabi at may katumbas na jackpot prize na₱84,940,898.80

Mayroon namang isang mananaya na nakapag-uwi ng₱120,000 na second prize para sa nahulaang limang tamang numero.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.