Masayang na-meet ng aktres na si Sunshine Cruz ang mga anak ni Cesar Montano kay Kath Angeles.

Nangyari ang nasabing pagkikita sa naganap na birthday celebration ni Angelina, anak nina Sunshine at Cesar. 

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, Setyembre 23, ipinost ng aktres ang pictures niya kasama ang tatlong chikiting maging ang anak niyang si Sam. 

"So happy to meet these cuties!!!" saad niya sa caption. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, sa hiwalay na Instagram post, makikita na nagsama-sama ulit ang pamilya ni Sunshine at Cesar.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkasama-sama sila, matatandaang noong Agosto 26 ay nabuo ulit sila matapos ang halos 10 taon dahil sa 18th birthday ng kanilang anak na si Sam.

“Who would’ve thought that after almost 10 years mabubuo ulit in one frame! In God’s perfect time talaga,” aniya.

Kahit ano pa raw ang nangyari noon ay hindi raw mawawala ang kanilang pagiging magulang nila sa kanilang mga anak.

“Kahit ano pa ang nangyari noon, one thing na hindi mawawala ay ang pagiging magulang namin sa mga bata. The girls are genuinely happy to have their dad back in their lives,” saad ng aktres.

Sa dulo ng kanyang post ay may quote tungkol sa pagpapatawad.

“When you forgive, you in no way change the past but you sure do change the future.”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/01/sunshine-cruz-pinatawad-na-nga-ba-si-cesar-montano/