Trending topic ngayon sa Twitter sina Ryzza Mae Dizon at anak ni Ryan Agoncillo na si Yohan dahil sa kanilang pagfa-fangirl sa Filipino boy band na SB19.

Usap-usapan ngayon sa Twitter ang kanilang pagfa-fangirl. Makikita rito ang kumakalat nilang pictures at videos kasama ang SB19. 

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Nag-guest kasi ngayong Sabado, Setyembre 24, ang nasabing boy band sa longest noontime show na "Eat Bulaga." Kaya naman hindi na sinayang nina Ryzza Mae at Yohan ang pagkakataong ito.

Makikita sa mga larawan at video na tila kilig na kilig ang dalawa habang pinapanood ang performance ng SB19.

https://twitter.com/imkriziansj/status/1573564553996410880

https://twitter.com/KITTENOFKENTIN/status/1573514848159539201

https://twitter.com/imkriziansj/status/1573505498900762624

https://twitter.com/hshmahalima_/status/1573548185800257536

https://twitter.com/hshmahalima_/status/1573548771727667203

Samantala, sa recent Instagram post ni Ryzza Mae, ipinost niya ang ilang pictures at video kasama ang SB19.

"one happy day ♡ labyu, sb19!!! worth it pong mapaos kaka-cheer yes yes," saad niya sa caption.