Balak umanong kasuhan ng "contempt charges" ng abogado ni Deniece Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio si Tanya Bautista-Navarro, misis ng "It's Showtime" host na si Vhong Navarro, gayundin ang legal counsel nitong si Atty. Alma Mallonga, ayon sa kaniyang tweet noong Setyembre 22, 2022.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Atty. Topacio ang kaniyang plano laban sa dalawa dahil sa umano'y idinaraan sa "trial by publicity" ang kaso ng mister na si Vhong Navarro, na nahaharap sa mga kasong "act of lasciviousness" at "rape" na parehong isinampa ni Cornejo.

"Now preparing contempt charges against Atty. Alma Mallonga and Vhong Navarro's wife for making statements that are sub judice in nature. We will not sit idly by while some people again make a mockery of justice by having another trial by publicity. THEY WILL BE HELD LIABLE!," ayon sa tweet ni Atty. Topacio noong Setyembre 22, 2022.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

https://twitter.com/YesYesYo13/status/1572676288434868224?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1572676288434868224%7Ctwgr%5Ec6b2f3b15214cb7bf05b3e7a067ac231c1e2f91b%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fdailybncnews.com%2F2022%2F09%2F22%2Fabogado-ni-deniece-cornejo-balak-kasuhan-ang-asawa-ni-vhong-navarro%2F

Samantala, buo ang loob nina Tanya at Atty. Mallonga na hindi totoo ang mga ibinibintang ni Cornejo kay Navarro. Pinuri ng mga netizen ang suportang ipinakikita ni Tanya para sa kaniyang mister.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/21/misis-ni-vhong-may-ideya-sa-umanoy-backer-ng-kabilang-kampo-takot-para-sa-seguridad-ng-mister/">https://balita.net.ph/2022/09/21/misis-ni-vhong-may-ideya-sa-umanoy-backer-ng-kabilang-kampo-takot-para-sa-seguridad-ng-mister/