Matatag pa rin ani Barbie Forteza ang higit limang taon na nilang relasyon ni Jak Roberto sa gitna ng mga lumabas na intriga ukol sa umano’y hiwalayan na ng Kapuso couple.

Personal na pinabulaanan ng Kapuso actress ang intriga sa isang media conference.

"Diyos ko, tatawagan ko! Hindi kasi namin alam! I-inform ko siya para alam niya,” saad na lang umano ni Barbie sa chismis nitong Biyernes, ayon sa ulat ng entertainment portal PEP.

Nitong Mayo lang ipinagdiwang ng showbiz power couple ang kanilang ikalimang anibersaryo.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pagyayabang pa ni Barbie, “very hands-on” na ninong umano si Jak sa kaniyang pamangkin at mga magulang habang siya'y abala sa kasalukuyang proyekto.

“Lagi siya nagpupunta sa bahay to check on my parents, 'yung mga tsikiting naming mga aso sa bahay,"

Pag-amin ng aktres, ikinagulat niya ang intriga na aniya’y muli na namang naungkat nang walang basehan.

Noong Hulyo, nauna nang nagpahayag ng interes si Barbie sa posibleng pag-level up ng kanilang relasyon ng Kapuso actor.

Tanging kondisyon na lang ng 25-anyos na aktres, “I think dapat may ipon. Bukod dun, wala na. Approved na. ‘Yun na lang, ipon na lang.”

Basahin: Tanging kondisyon na lang ni Barbie para pakasalan si Jak: ‘Dapat may ipon’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaya naman paglilinaw ni Barbie sa isyu, “To clear everything, napakasaya po ng puso ko ngayon dahil masayang-masaya po kami ni Jak.”

“I cannot explain how happy we are right now. And yun nga, nakasama ko ang pamilya ko, nakasama ko ang kapatid ko, ang pamangkin ko, ang brother-in-law ko kasama si Jak with my whole family,” dagdag niya habang ipinuntong ipinagpapalasamat niyang nakasama nang mahabang panahon si Jak bago ang pinakabagong proyekto sa GMA.

Si Barbie ay bibida sa history-fiction serye na “Mara Clara at Ibarra”.

Makakasama niya rito ang ilan pang maningning na Kapuso stars kabilang sina Dennis Trillo, Manilyn Reynes, Julie Anne San Jose, Rocco Nacino. Juancho Trivino, Tirso Cruz III, bukod sa iba pa.