Kahit saang lupalop man ng daigdig at sa kahit na anumang larangan, tunay na hindi maikukubli ang husay ng mga Pilipino!

Matagumpay ngayon sa larangan ng paggugupit at hairstyling ang isang 18 anyos na Pilipinong barbero na si Jamiel Busto mula sa Toronto, Canada, na aminadong 4 na taong gulang pa lamang siya ay nakahiligan na ang hairstyling.

Naitampok si Busto sa programang "Dapat Alam Mo" sa GTV ng GMA Network.

"Every now and then na magpapagupit, ‘Mom I wanna try another one, I didn’t like my haircut before.’ So hanap na naman ako. Sabi niya kasi ang hair ang nagbibigay ng ganda sa isang tao. Siguro nandoon ‘yung interes niya sa ganu’n,” ayon sa panayam sa kaniyang inang si Leslie Bustos.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Hanggang sa napagpasyahan daw ni Jamiel na siya na lamang ang maggugupit sa kaniyang sarili.

"I love getting my haircut. I would get my haircut once a week. So I was like ‘You know what, might as well try this one on my own.’ So I started cutting my own hair,” ani Jamiel.

Dahil siya na ang gumugupit sa kaniyang sariling buhok, dito niya napagtantong may talento siya sa paggugupit.

"It felt amazing finally having someone sit in the chair and actually trusting me. It’s all about trust and it’s all about, it’s your image right? You want to look as best as possible and the person doing your hair is pretty much in control of that,” aniya pa.

Ibinahagi niya sa kaniyang TikTok account ang videos ng kaniyang paggugupit. Dahil dito, marami sa mga sikat at big time na Canadian personalities ang nakapansin sa kaniya. Ilan sa kanila ay mga milyonaryo, negosyante, abogado, real estate developers, at mga company CEOs.

Naranasan pa nga raw niyang ipinasundo siya ng kaniyang kliyente sa pamamagitan ng helicopter nito.

Sa ngayon ay eksklusibo ang serbisyong ibinibigay ni Jamiel at by appointment, subalit sa mga darating na panahon, iniisip niyang magtayo na rin ng sariling barberya sa Canada.