Bagaman maya’t mayang nasa biyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo, proud sa sarili ang online personality at negosyanteng si Xian Gaza bilang isang provider ng kaniyang mga anak.

Pinusuan ng libu-libong followers ni Xian ang payo nito sa kapwa ama na hiwalay sa ina ng kanilang anak.

“Para sa lahat ng lalaking may anak at hiwalay sa babae, payo ko lang sa inyo eh maging good provider kayo sa mga anak ninyo,” ani Xian sa isang Facebook post, Huwebes.

“Matinding swerte ang hatid nito. Ang lalaking hindi nagpapabaya sa anak ay pagkakalooban ng maganda at masayang buhay,” dagdag niya.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Hindi halos lingid sa maraming netizens na isang ganap na milyonaryo ang dating kontrobersyal na personalidad na kasalukuyang may-ari na ng kaliwa’t kanang negosyo sa Dubai, Thailand bukod sa iba pa.

Basahin: ‘Be happy’: Turo ni Xian Gaza sa dapat na pangarap ng anak paglaki nito, ikinaantig ng netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang payo ng ama sa anak na hangarin maging masaya at ituring itong “greatest form of success.”

Noong Mayo, una nang inamin ng online personality ang kakayahan niyang makuha sa puder ng ina ang kaniyang anak ngunit aminado siyang hindi ito makabubuti sa kapakanan ng anak.

“Mabuti pa na ako na lang ang magsakripisyo at malayo sa kanya upang lumaki siya nang maayos na may buong pamilya. Ang role ko ay magpayaman ng husto at ilatag ang kanyang napakagandang kinabukasan,” saad ng ama.

Basahin:Daddy Xian, nagpakatotoo para sa anak: ‘Hindi ko siya kayang bigyan ng isang buong pamilya’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid