May kabuuang 353 repatriated overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia ang tinulungan ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 23.

Dumating ang mga OFW sa NAIA sakay ng Philippine Airlines Flight PR8629 mula Jeddah, Kingdom ng Saudi Arabia (KSA).

Ayon sa OWWA karamihan sa mga napauwi na OFW ay mga run-away workers, distressed workers, at ilang may mga sakit na nangangailangan ng medikal na atensyon, at iba pa. 

Inatasan ni OWWA Administrator Arnell Ignacio ang repatriation team na suriin ang mga dokumento ng mga OFW at gumawa ng posibleng tulong kung kinakailangan.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Ang mga manlalakbay na may health clearance ay puwede na agad pauwiin, ayon sa OWWA. 

Samantala, ang mga OFW na kailangang sumailalim sa health protocols ay dadalhin sa quarantine facility o hotel na katuwang ng OWWA.

Ang OWWA ay nagbibigay din ng espesyal na tulong sa mga OFW na nangangailangan ng transportation assistance.

Pinaalalahanan din ni Ignacio ang mga OFW na i-avail ang flagship program ng gobyerno ng mga umuwing Filipino migrant workers, lalo na ang livelihood assistance program sa ilalim ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay (BPBH) platform.

“They can also avail of the programs under the National Reintegration Center for OFWs for business assistance and another platform under the OWWA’s reintegration programs,” ani Ignacio.

Martin Sadongdong